10/30/10

Sa Iyong Pag-alis (Crazy for You)

Hi guys!
share ko lang sa inyo ung ginawa kong kanta. Tono siya ng Crazy for You ni Madonna, ginawan ko ng tagalog version. Sana magustuhan ninyo!



I
Ngayon ako ay nag-iisa
Luhaan at nagdurusa
Magbuhat ng ako ay iwan mo

II
Hawak ko ang iyong larawan
Iniisip ang nakaraan
Bakit nga ba ikaw ay lumayo
at nilisan ako


Chorus
Ikaw ngayo's wala na
Pangako mo sak'n ay nasaan na?
Habambuhay na magsasama

O kay sakit, naghihinagpis
Sa iyong pag-alis

III
Pilit kong itinatago
Ang lungkot ng iyong paglayo
Hindi ko pa rin natatanggap

IV
Ito ba ay panaginip
Gisingin nyo'ko sa aking pagkaidlip
Dahil hindi ko na makakaya,
ang mag-isa

(Repeat Chorus 2x)


Sa'yong pag-alis, sa'yong pag-alis

O kay sakit, naghihinagpis
ng iyong pag-alis

10/29/10

TORPE-do

Tinatanaw lang kita noon
mula sa di kalayuan,
Pinagmamasdan ka
kasama ang iyong mga kaibigan..

Maayos ang iyong postura,
Suot ang unipormeng pang-eskwela.
May bag ka pa nga na itim,
Na talaga namang maganda sa paningin..

Nabubuo ang araw ko
kapag nakikita ka,
Inaabangan kang dumaan
sa pasilyo ng ating paaralan..

Ilang taon akong ganyan,
Nangangarap sa kawalan.
Pinapangarap na makasama ka,
Kahit ilang saglit lamang..

Nang dumating ang pagkakataon
na hindi ko inaasahan,
Kinausap mo ako't
tinanong ang aking pangalan..

Hindi ko na alam ang aking gagawin,
Hindi ko alam ang sasabihin.
Hindi ko talaga akalain,
na ako'y iyong papansinin..

Wala akong masambit,
Tila ang dila ko'y naipit.
Umiral ang katorpehan,
Umiral ang katangahan..

Bakit nga ba ganito?
May pag-asa pa bang mabago?
Mamahalin mo kaya ako?
Kahit ako'y isang TORPE-do?

10/27/10

Alaala

Ayaw kitang isipin dahil ako'y nasasaktan,
Dahil nagbabalik lamang ang nakaraan.
Nakaraan na ayaw ko nang balikan,
Nakaraan na gusto ko nang kalimutan..

Pero bakit ako nagkakaganito?
Ayaw ka pa rin mawala sa isip ko.
Alaala mo'y palagiang nagbabalik,
Nasasabik pa rin sa'yong yakap at halik..

Alam kong masaya ka na sa piling nya,
At alam kong mahal mo talaga siya.
Pero bakit hindi kita magawang bitawan,
Dahil ba sa nabitin nating pagmamahalan?

Hindi ko mapigil ang pagtulo ng aking mga luha,
Dahil sa pag-iyak lang ako nagiging masaya.
Nararamdaman ko ang iyong pambabalewala,
Pero andito pa rin ako't palagiang umaasa..

Bago sana ako mawala, nais kong malaman mo
Na ang pusong ito'y minahal ka ng totoo.
Dalangin ko ang iyong kaligayahan,
Salamat sa alaalang hindi ko malilimutan..

10/26/10

Soul Searching

Tahan na, wag ka nang umiyak,
Wag na malumbay sa aking paggayak.
Hindi rin naman ako magtatagal,
Ipapahinga ko lang sandali ang isipan kong pagal..

Sa dami ng nangyari,sa dami ng nagdaan,
Hindi pa rin kita magawang kalimutan.
Para kang anino na palagiang nakasunod,
Magtago man ako'y tiyak pa ring matutunton..

Sapat na bang lumayo upang hanapin ang sarili?
O kailangang harapin ang takot na namamayani?
Pero handa na ba ako sa mga posibleng mangyari?
Ngunit pakiramdam ko'y ang sagot pa rin ay hindi..

Bakit nagbabalik ka pa rin sa puso ko?
Gayong hindi na ako ang ninanais mo.
Bakit ikaw ay muling nagpaparamdam?
Gayong matagal na kitang nakalimutan..

Tahan na, wag ka ng umiyak,
Mabuti pang talikdan na natin ang lahat.
Tanggap ko na'ng hindi na tayo magtatagpo,
Hindi na magbabago kahit lumuha pa ng dugo..

10/23/10

Stolen by Dashboard Confessionals

Hi guys!

Share ko lang itong isa pang song na madalas kong pinapakinggan sa youtube. Hindi ko alam pero gandang ganda ako dito sa song na ito. I hope you'll like this one also!






Enjoy and stay in love! =)