Bakit Mas Mababa sa Tatlo?

Sa tuwing binabasa ko ang mga tulang nagawa ko na tungkol sa pag-ibig, nanunumbalik sa aking alaala ang aking mga pinagdaanan. Ang mga masasayang sandali. Ang aking mga pagkakamali. At ang mga aral na aking natutunan. Medyo madami dami na rin ang mga nagawa kong tula kaya marapat na sigurong ilathala ko ang karamihan sa mga ito. Yan ang dahilan kung bakit naisilang ang blog na ito.


Bakit "Mas Mababa sa Tatlo"?

Walang malalim na dahilan kung bakit ito ang napili kong pangalan ng blog ko. Sinalin ko lamang sa tagalog ang simbolong ito "<3". Kung titignan ng mabuti ay mahahawig ito sa isang puso, akmang akmang sa tema ng aking blog na tumutungkol sa mga nagawa kong tula ng pag-ibig.