3/4/11

Ikaw, Ikaw at Ikaw Lang

Kapag naiisip kita, langit ang nadarama.
Puso ko ay lumulukso at lalo pang sumisigla.
Tila ba gamot ka sa lahat ng uri ng karamdaman,
Pagkat isang ngiti mo lang, tanggal na ang aking kalungkutan.

Ikaw ang tsokolate kapag ako'y nalulumbay,
Ikaw ang kending nakakatanggal ng aking pagkaumay,
Ikaw ang extra joss kapag ako'y inaantok,
Ikaw rin ang off lotion kapag ako'y nilalamok.

Kampante ako kapag andito ka sa aking tabi,
Nawawala ang takot na sa isipan ko'y namamayani.
Ang pagod ko ay tuluyang ring napapawi,
Lagi na lang pag-ibig ang sa puso ko'y namamayani.

Ang saya, saya, saya, saya!
Daig ko pa ang nanalo sa lotto kapag kasama kita.
Ang nadaramang sigla ko'y parang El Shaddai ang lakas,
Siksik, liglig, umaapaw, umaawas.

Kaya ito ang tanging pakatandaan mo,
Na ikaw lang ang nilalaman ng puso't isipan ko.
Ang pagmamahal ko sayo'y kailanman hindi magbabago,
Umulan man o bumagyo, kahit magunaw pa ang mundo.

2 comments:

  1. Napadaan ako dito at nabasa ko ito. NAKS, ITO PABORITONG STANZA KO:
    Ikaw ang tsokolate kapag ako'y nalulumbay,
    Ikaw ang kending nakakatanggal ng aking pagkaumay,
    Ikaw ang extra joss kapag ako'y inaantok,
    Ikaw rin ang off lotion kapag ako'y nilalamok.

    - Kumag ng Kabulastugan Blog

    ReplyDelete
  2. at napakaromantiko mo naman kuya napakaswerte ng girlfriend mo na nagdudulot sa'yo ng maraming saya, saya, saya! :)

    ReplyDelete