3/4/11

Ikaw, Ikaw at Ikaw Lang

Kapag naiisip kita, langit ang nadarama.
Puso ko ay lumulukso at lalo pang sumisigla.
Tila ba gamot ka sa lahat ng uri ng karamdaman,
Pagkat isang ngiti mo lang, tanggal na ang aking kalungkutan.

Ikaw ang tsokolate kapag ako'y nalulumbay,
Ikaw ang kending nakakatanggal ng aking pagkaumay,
Ikaw ang extra joss kapag ako'y inaantok,
Ikaw rin ang off lotion kapag ako'y nilalamok.

Kampante ako kapag andito ka sa aking tabi,
Nawawala ang takot na sa isipan ko'y namamayani.
Ang pagod ko ay tuluyang ring napapawi,
Lagi na lang pag-ibig ang sa puso ko'y namamayani.

Ang saya, saya, saya, saya!
Daig ko pa ang nanalo sa lotto kapag kasama kita.
Ang nadaramang sigla ko'y parang El Shaddai ang lakas,
Siksik, liglig, umaapaw, umaawas.

Kaya ito ang tanging pakatandaan mo,
Na ikaw lang ang nilalaman ng puso't isipan ko.
Ang pagmamahal ko sayo'y kailanman hindi magbabago,
Umulan man o bumagyo, kahit magunaw pa ang mundo.

3/2/11

Fireworks Display sa MOA

November 28, 2010. Ilang minuto lang makalipas nya akong sagutin, bigla na lang nagliwanag ang langit dahil sa mga makukulay na fireworks na ito. How romantic is that? Isa iyon sa mga gabing hinding hindi ko makakalimutan. =)

Babyface - Every Time I Close My Eyes

Perfect timing. Right place and the right time. This song is dedicated to my girlfriend and my soon to be wife. I love you with all my heart.




Babyface - Every Time I Close My Eyes

Girl, its been a long, long time comin
But i, I know that its been worth the wait
It feels like springtime in winter
It feels like christmas in june
It feels like heaven has opened up its gates for me and you


And every time I close my eyes
I thank the lord that Ive got you
And youve got me too
And every time I think of it
I pinch myself cause
I dont believe its true
That someone like you
Loves me too


Girl, I think that youre truly somethin
And youre, youre every bit of a dream come true
With you baby, it never rains and its no wonder
The sun always shines when Im near you
Its just a blessing that I have found somebody like you


Hook


To think of all the nights
Ive cried myself to sleep
You really oughtta know
How much you mean to me
Its only right that you be in my life right here with me
Oh baby, baby

11/11/10

Dugtungan ng Tula

Hi guys!

Share ko lang itong ginawa namin ni Kenndi Arteest sa KATHANG ISIP group sa Facebook. Nagpalitan kami ng tig-dalawang linya para makagawa ng isang tula at ito ang kinalabasan.


DanGerald:

Sa tuwing iihip ang hangin patungo sa akin,

Hindi ko maiwasang ika'y alalahanin..

Kenndi:

Sa bawat nakakasilaw na pag-ngiti ng araw,

Ang mga ala-ala nati'y ayaw parin bumitaw..

DanGerald:

Tila ba hinahatak tayo pabalik sa nakaraan,

Nakaraang kailanma'y hindi ko malilimutan..

Kenndi:

Subalit ano pa ba ang halaga ng nagdaan?

Alam nating ang panaho'y tuluyan na tayong nilisan..

DanGerald:

Ngunit kong bibigyan ako ng isa pang pagkakataon,

Ikaw pa rin ang nanaising makapiling ngayon..

Kenndi:

Ang init ng pagiibigan nati'y hindi man kayang ulitin,

Sa muling pagkikita, sana'y atin ding sulitin..

DanGerald:

Kaya kung tayo'y muling pagtatagpuin ng tadhana,

Sa aking pagyakap, ang katawan mo sana'y iyong ipaubaya..

Kenndi:

Hahayaan kong ang bugso ng damdamin ang magpasya,

Kung umaalab man ang puso'y pareho tayong sasaya..

DanGerald:

Kung kabaligtaran ang mangyari, ako'y lubusang malulumbay,

Pagkat ikaw ang natatanging nagbibigay sa akin ng buhay..

Kenndi:

Hindi ko hahayaang ang pagkakataon ay masayang,

Ngayong gabi, tayo'y magmamahalan ng lubusan..

11/6/10

Langit Na Rin by Kuya Jobert

Hi guys!

Sa tuwing nakikinig ako ng Itanong Mo Kay Kuya Jobert sa 93.9 I-FM, inaabangan ko lagi na tugtugin ito ni Kuya Jobert. Bukod kasi sa magaling siyang magpatawa at magbigay ng payo, magaling rin siyang tumugtog ng gitara at kumanta.

Sa tuwing naririnig ko ang kantang ito, nagbabalik sa aking alaala yung mga naging crush ko nung bata ako. Ubod kasi ako ng torpe dati. Kapag katabi o kaya kinakausap ako ng crush ko, natatahimik na lang ako bigla. Umuurong yung dila ko at hindi na nakakapagsalita pero sa loob ko ay tuwang tuwang ako. Saktong sakto ang kantang ito sa nararamdaman ko kapag natotorpe ako.




I
Sa gabi't araw, ikaw ang laging nais matanaw,
Ang iyong ganda'y naiiba't katangitangi,
Parang anghel lalo na't pag ika'y nakangiti

Chorus
Panalangin ko sana'y dinggin,
kahit sa panaginip lang ay marinig ko na ako'y minamahal mo rin,
wala na kong mahihiling, pagkat sa piling mo'y parang,
Langit na rin.

II
Mula nang masilayan ka, hanggang ngayo'y di nagiiba,
pagtulog ko'y napapangarap na kasama,
kung maaari lang ayaw ko nang gumising pa,
kung ika'y mawawalay, ang mundo ko'y mawawalan ng buhay at kulay,
dahil nais ko habang buhay, kapiling kang tunay

Chorus
Panalangin ko sana'y dinggin,
kahit sa panaginip lang ay marinig ko na ako'y mahal mo rin,
wala na kong mahihiling, dahil sa piling mo'y parang,
Langit na rin.

Dahil sa piling mo'y parang,
Langit na rin.