11/2/10

Alipin

Alipin ng kahapon,
Alipin ng pagkakataon,
Alipin ng labis na kalungkutan,
Alipin ng maalon na karagatan..

Hanggang saan ako mapapadpad?
Hanggang saan ako makakarating?
Akala ko natatanaw ko na ang dulo,
Simula pa lang pala ang pupuntahan ko..

Abot kamay ko na ang lahat,
Ngunit nawala lang sa isang iglap,
Kay tagal ko itong iningatan,
Ngunit wala rin palang patutunguhan..

Akala ko ako na ang magpapatakbo
sa nakasiwang na manibela ng buhay ko,
Pero bakit ito ang kinahinatnan,
Alipin noon, alipin pa rin hanggang ngayon..

No comments:

Post a Comment