11/3/10

Anino

Nakita na kitang umiyak,
Nakita na rin kitang tumawa,
Nakita na rin kitang natulala,
Ng makita mo ang iyong mahal, na may ibang kasama..

Lagi mong sinasabi na "ok lang ako!"
Lagi mong pinapasaya ang ibang tao,
Pero pag nagkakasarilinan tayo,
Naririnig kong umiiyak ang iyong puso..

Bakit ka ba ganyan?
Itatago mo na lang ba yan?
Madalas kong sabihin na andito lang ako,
Pero ang turing mo sa aki'y isang bato..

Lagi mo na lang akong pinapasalamatan,
Kasama mo ako kahit saan,
Pero tila nangungulila ka pa rin,
Sa alaala ng nasirang damdamin..

Kung nakakapagsalita lang ako,
Kung kaya ko lang hilumin ang iyong puso,
Ngunit ang mga ito'y hindi ko nagagawa,
Dahil para sa'yo, ako'y isa lamang anino..

1 comment:

  1. congratulations to "AKO SI ARIS" for being NUMBER ONE in this cycle's Hall of Fame! Check out who else made it to the top at BNP! :)

    ReplyDelete