10/16/10

Lungkot

Mag-isa na naman ako’t hindi makatulog,
Pagkat ang isip ko’y merong gumugulo.
Bigat ng kalooba’y hindi pa rin naaalis,
Puso kong ito’y meron pa ring hinagpis.

Tama ba ang ginawa kong paglayo?
At piliting umiwas sa iyong mundo?
Ganoon ba talaga ako kasakim?
Masyadong iniisip ang mapupunta sak’n..

Dapat lang sak’n na ito’y maranasan,
Ang malugmok sa walang hanggang kalungkutan.
Pinasok ko ang larong hindi ko naman alam,
Kaya sa mga tanong ko’y wala pa ring kasagutan.

Gusto kong abutin ang iyong kamay
Sa tuwing ika’y nahihirapan.
Pero alam kong sa puso mo’y
Hindi mo ako kailangan..

Nais kong pawiin ang mga luhang
Dumadaloy sa iyong pisngi.
Pero ang mga luhang ito’y
Dala ng aking pagkakamali..

Tunay ngang hindi mo mababatid ang halaga ng isang bagay,
Hangga’t hindi siya nawawala sa iyong mga kamay.
Tunay ring nasa huli ang pagsisisi,
Kaya ikaw ngayo’y wala sa’king tabi..

Kung nasabi ko lang sa’yo ang laman ng puso ko,
Edi sana, hindi ako nahihirapan ng ganito.
Hindi man ako ang iyong piliin na makasama mo,
Masaya na rin ako..
Basta masabi ko lang sa’yo, na mahal kang totoo..

No comments:

Post a Comment